Wanted fugitive na si Quiboloy kay Hontiveros: Ginagamit mo lang ako!

Matapos isnabin ang imbestigasyon ng Senado at magtago matapos lumabas ang kanyang warrant dahil sa sexual abuse, hinamon ni Pastor Apollo Quiboloy si Senadora Risa Hontiveros na dalhin ang kanyang kaso sa korte kung totoo nga ang mga akusasyon laban sa kanya.

Naglabas si Quiboloy ng audio statement sa YouTube channel ng DZAR 1026 kung saan niya inihayag ang kanyang mensahe kay Hontiveros.

“Si Hontiveros diyan sa Senado, ihinto mo na ang iyong moro-moro na hearing, dumiretso ka na sa Korte,” saad ni Quiboloy.

Inakusahan din ng pastor si Hontiveros na ginagamit lamang siya sa ambisyon na tumakbo sa mataas na posisyon.

“Huwag ka nang magpa-arte-arte pa diyan sa Senado. Ang dami mong arte, ako ang ginagamit mo. Ginagamit mo para ikaw ay pumunta sa mas higher position,” aniya.

“Alam ko na ang galaw mo, alam ko na ang style mo, puro sinungaling ang kasama mo. Sino ka, kung ikaw kumuha ng sinungaling na mga witnesses, ano ka, ‘di ba sinungaling ka rin?” dagdag pa ni Quiboloy.

Inisnab ng Kingdom of Jesus Christ leader ang lahat ng pagdinig ng Senado laban sa kanya kaya naman pinapaaresto na siya ngayon sa mga awtoridad.

Patuloy naman ang pagtatago ni Quiboloy na nahaharap sa iba’t ibang kasi ng sexual abuse at human trafficking.

Suzuki na ang ibang masala ni Quiboloy sa kasong sexual abuse of a minor habang pathology sa pagtatago ang religious leader.