Walang ungguyan! National ID ang susi laban sa mga fake SIM registration, ayon kay Tulfo

Iminungkahi ni ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo na ayusin na ng pamahalaan ang national ID system upang mapigilan ang mga fake SIM card registration.

May suhesityon si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo upang matigil na ang pagpepeke sa SIM registration, gaya na paggamit ng iba’t ibang litrato para sa verification step nito.

Ayon kay Tulfo, matutugunan lamang ang isyung ito sa oras na maipatupad na nang ayos at walang aberya ang national ID system na programa pa nang nakaraang administrasyon.

“The issuance of national ID cards to Filipino citizens and resident aliens, as mandated by law, will give the service providers an easy access to government database for the truthful profile of bona fide holders who apply for SIM registration,” paliwanag ni Tulfo sa isang pahayag.

Nauna nang naiulat na maaaring mai-register ang isang SIM card gamit ang litrato ng isang unggoy, at kung ano pang mga modus.

“A single ID system, encompassing all Filipinos, is the key to ensuring the integrity of the SIM registration,” dagdag pa ni Tulfo.

Matatandaang ginawa ng mandatory ang SIM registration kasunod nang paglipana ng mga spam text at scams gamit ang ibat-ibang SIM card.