Walang tigil na serbisyo: Romualdez namigay ayuda sa 3,000 benepisyaryo sa Leyte

Nagpamahagi si House Speaker Martin G. Romualdez ng tulong pinansyal at rice subsidy sa 3,167 benepisyaryo sa Leyte.

Nagpamahagi si House Speaker Martin G. Romualdez ng tulong pinansyal at rice subsidy sa 3,167 benepisyaryo sa Leyte.

Parte ang pamimigay ayuda ng Cash and Rice Distribution (CARD) program ng DSWD at ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program naman ng DOLE.

“As instructed by President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., the delivery of public service continues. Tuloy-tuloy po ito at hindi nagpapahinga. At natutuwa ako na ang mga kababayan natin sa Tacloban at Babatngon sa Leyte ang nabigyan ng ayuda ngayong araw,” sabi ni Romualdez.

Naibigay sa 1,167 benepisyaryo ng CARD program sa Tacloban City ang P5,000 tulong pinansyal at P1,000 halaga ng bigas, habang nasa 2,000 benepisyaryo ng TUPAD program mula sa Babatngon Leyte ang nakatanggap ng P4,100 cash assistance.

“Ito ang nais ng ating Pangulong Bongbong Marcos, ang ilapit ang serbisyo sa mga mamamayan. Ipinadarama sa atin ng administrasyon na hindi ito nakakalimot sa sinumpaang tungkulin na isaayos ang kalagayan ng bawat mamamayan ng ating bansa,” dagdag ni Romualdez.