Walang special treatment! Quiboloy ituturing na ordinaryong preso kapag nahuli na

Nangako ang pulisya sa Davao City na walang special treatment na mararanasan si Pastor Apollo Quiboloy sa oras na madakip nila ito.

Nangako ang pulisya sa Davao City na walang special treatment na mararanasan si Pastor Apollo Quiboloy sa oras na madakip nila ito.

Ayon kay Police Regional Office 11 spokesperson Police Major Catherine dela Rey, sa ordinaryong piitan ipapasok si Quiboloy kapag nahuli na nila ito.

“Whether he would be put in the custodial facility in the [Camp Domingo Leonor] barracks or in a police station where he belongs still has to be decided,” saad ni Dela Rey.

“We don’t have a special facility for special persons… Once the warrant is served, he will be put in the custodial facility along with other criminal offenders. There will be no special treatment for the pastor,” dagdag pa niya.

Nitong Miyerkoles ay inilabas na ng korte ang warrant of arrest laban kay Quiboloy at sa lima niyang tauhan dahil sa mga kasong child abuse at sexual abuse.

Isa sa limang kapwa akusado ng pastor ay nahuli na. Samantala, ang apat ay sumuko sa mga awtoridad.

Si Quiboloy na lamang ang patuloy na pinaghahanap ng pulisya. Hinanap ang pastor sa kanyang mga kuta sa Davao City at sa Samal Island ngunit wala siya sa mga lugar na ito.