Walang puwang sa silid-aralan ang mga bully! PBBM sa DepEd: Siguraduhing ‘safe space’ at ‘sanctuary for diversity’ ang mga paaralan sa bansa

Pinakamahalaga sa lahat, ayon sa pangulo, ay ang kaligtasan ng mga mag-aaral, na siya namang matitiyak ng iba’t ibang kawani ng gobyerno, partikular na ang DepEd.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Education (DepEd) na dapat nitong tiyakin na ”no-bully zones” ang mga paaralan sa bansa upang masigurong ligtas ang lahat ng mag-aaral.

”Every school will steadfastly stand as a no-bully zone—a sanctuary for diversity, a resource center for teens, a psychosocial first aid center, a mental health nurturer, a bulwark against the drug menace,” saad ni Marcos sa kaniyang talumpati sa pagtatapos ng presentasyon ng DepEd ng Basic Education Report 2024 nitong Huwebes, Enero 25.

Pinakamahalaga sa lahat, ayon sa pangulo, ay ang kaligtasan ng mga mag-aaral, na siya namang matitiyak ng iba’t ibang kawani ng gobyerno, partikular na ang DepEd.

”A safe space for all. And most importantly, a safe space for our children. To those who cross these lines, a layer of tripwires catches them: the Learner Rights and Protection Office, Telesafe Hotline, and the Children Protection Committees,” aniya.

Kaugnay niyan ay inatasan ni Marcos ang Department of Health na makipagtulungan sa DepEd sa pagpapatayo ng mga health facility sa mga paaralan.