Walang puso! Magbabalut hagulgol nang bayaran pekeng P1K

Bakas ang panghihinayang at lungkot sa mukha ng isang magbabalut vendor matapos siyang bayaran ng pekeng P1,000 ng bumili sa kanya.

Bakas ang panghihinayang at lungkot sa mukha ng isang magbabalut vendor matapos siyang bayaran ng pekeng P1,000 ng bumili sa kanya.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, bumili umano ng tatlong balut ang isang lalaki sa 72-anyos na si Sonny Soriano.

Pagkaabot ng pera ay sinuklian pa umano ito ni Soriano na nagkakahalagang P925.

“Binigay niya P1,000. Sabi ko, ‘baka peke ito…’ Sabi niya, ‘hindi po.’ Sinuklian ko siya at kinabukasan ko nalaman na peke pala,” pagsasalaysay ni Soriano.

Ayon ba sa biktima, kinabukasan na umano nang malaman niyang peke pala ang binigay na pambayad.

“Nanghinayang talaga ako pero wala ako magawa. Kahit magalit ako, wala na ako magawa. Basta hindi ako nanloko; sila ang nanloko sa akin,” dagdag pa nito.

Pagtitinda ng balut ang unang pinagkukuhanan ni Soriano ng pangtustos sa kanyang pamilya. Bukod pa riyan ay dito niya rin kinukuha ang pambili niya ng mga gamot.

Sa ngayon, patuloy ang pulisya sa paghahanap sa suspek.