Walang ‘proud Pinoy’ sa ganito: Pilipino, nahatulan guilty sa malawakang scam sa Amerika

Napatunayan ng korte na kasabwat si Engilbert UIan sa isang modus kung saan nag-aayos ito ng pekeng kasal upang malusutan ang mga batas ng Amerika sa imigrasyon.

Hinatulan ng korte sa US ang isang Pilipino na guilty sa pagkakasangkot sa “large-scale conspiracy to commit marriage and immigration fraud” doon.

Iyan ay matapos mapatunayan ng korte sa Boston, na isa si Engilbert UIan sa malaki ang ginampanan sa naturang modus, kung saan nag-aayos ito ng pekeng kasal upang malusutan ang mga batas ng Amerika sa imigrasyon.

Itinakda ng US District Court ang pagsintensya kay si Ulan, 42, at naninirahan sa Los Angeles, sa Marso 2024.

Ayon sa mga record ng korte, mahigit 300 na pekeng kasal o sham marriage ang naayos ni Ulan at ng kaniyang iba pang kasabwat.