Walang pinipili! Higit 5K high-value target, arestado sa PBBM drug war

Arestado ang mahigit 5,000 high-value targets (HVT) sa droga mula nang magsimula ang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa ilegal na droga noong kalagitnaan ng 2022.

Arestado ang mahigit 5,000 high-value targets (HVT) sa droga mula nang magsimula ang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa ilegal na droga noong kalagitnaan ng 2022.

Ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Miyerkoles, nadakip ang mga HVT mula noong Hulyo 1, 2022 hanggang Enero 30, 2024.

Ito ay kasama umano sa 79,841 na mga suspek sa droga na naaresto sa 58,496 na operasyon, habang nasamsam naman ang kabuuang halagang PHP31.98 bilyon ng mga ilegal na droga sa buong bansa sa parehong panahon.

Kabilang dito ang 4,317.46 kg ng shabu, 50.47 kg ng cocaine, 54,013 piraso ng ecstasy tablets, at 3,197.19 kg ng marijuana.