Walang patayan! Kongresista pinuri maayos na drug war ni PBBM

Pinalakpakan ng ilang kongresista ang maayos at mapayapang anti-illegal drug at anti-criminality campaign ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Pinalakpakan ng ilang kongresista ang maayos at mapayapang anti-illegal drug at anti-criminality campaign ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nakatuon sa rehabilitasyon, reintegrasyon, at preventive education programs, lalo na sa kabataan, ang administrasyong Marcos.

Bahagi rin ng mga reporma ay ang pagtanggal sa mga pulis na sangkot sa masasamang gawain na ginawa sa nakaraang administrasyon.

Sa isang press conference, sinabi ni PBA Party-list Rep. Margarita Nograles na ang estratehiya ng administrasyon maayos dahil hindi ito gumagamit ng pananakot at dahas.

“You don’t take the laws into your own hands. You do not violate the laws. So, nakakatuwa,” saad ni Nograles.

Naniniwala rin si Pangulong Marcos na epektibo ang kanilang pamamaraan upang masugpo ang problema sa droga.

Sa kanyang pagbisita sa Germany noong nakaraang linggo, sinabi niyang nagbago na ang istilo ng pamahalaan sa drug war at nakatuon na sa pagsagot sa ugat nito

“It’s a big problem, but our approach has changed significantly. I diametrically opposed to handling the drug problem in that way, by confrontation, by violence, and it really requires so much, much deeper understanding on the problem and the much deeper solution,” pahayag ng Pangulo.