Walang pahinga! Schedule ni PBBM sa Germany, Czech punong-puno — Romualdez

Pinabulaanan ni House Speaker Martin Romualdez ang alegasyong nagbabakasyon lang si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa kaniyang pagpunta sa Germany at Czech Republic.

Pinabulaanan ni House Speaker Martin Romualdez ang alegasyong nagbabakasyon lang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang pagpunta sa Germany at Czech Republic.

Ayon kay Romualdez, punong-puno ang schedule ng Presidente upang mas lalong mapalakas ang samahan ng Pilipinas sa dalawang bansa.

Bukod pa riyan, malaki rin umano ang magiging kontribusyon nito para sa pagpapalakas ng ekonomiya ng ‘Pinas.

Ani Romualdez, walang katotohanang puro bakasyon lang ang inaatupag ng Presidente.

“The punishing schedule of engagements of President Marcos during these trips underscores his unwavering commitment to serving the Filipino people and promoting our nation’s prosperity on the global stage,” saad nito.

“Undoubtedly, President Marcos’s unwavering dedication and tireless work ethic have brought about positive impacts, not only in terms of economic opportunities but also in strengthening diplomatic ties and promoting the welfare of our fellow Filipinos abroad,” pahayag pa nito.

Dagdag pa ni Romualdez, dapat umanong kilalanin at pahalagahan ang mahahalagang kontribusyon ni Pangulong Marcos para sa bansa.

“Let us recognize and appreciate President Ferdinand Marcos, Jr.’s invaluable contributions to our nation’s progress and prosperity, and stand united in supporting endeavors that elevate the well-being of our beloved Philippines,” wika pa niya.