Walang pagsisisi! Bato dela Rosa pinagdasal pagtabla kay Zubiri

Nagdasal umano si Senador Ronald 'Bato' dela Rosa para makapagdesisyon hinggil sa pagbaligtad ng suporta niya kay former Senate President Miguel Zubiri.

Nagdasal umano si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa para makapagdesisyon hinggil sa pagbaligtad ng suporta niya kay former Senate President Miguel Zubiri.

Sa panayam kay Dela Rosa, sinabi nito na kanyang inilapit sa Panginoon ang desisyon tungkol sa pagpapalit ng liderato ng Senado.

“I’ve been praying every night at kahapon bago ako umalis sa bahay… nag-pray kami bago ako bumiyahe dito papuntang Senado na sana i-guide ako ni Lord sa lahat ng mga desisyon ko,” saad ni Dela Rosa.

“No regret on my part. I told the Lord, ‘Come Holy Spirit, please guide me’,” aniya pa. “I’m sure nakikinig si Lord sa akin!”

Si Zubiri ay pinalitan ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero sa plenary session nitong Lunes.

Ayon kay Zubiri, posibleng ang hearing tungkol sa ‘PDEA leaks’ ang naging dahilan kung bakit natanggal siya bilang Senate President.

Si Dela Rosa ang committee chairman kung saan isinagawa ang imbestigasyon sa ‘PDEA leaks’.