Walang nagawa! 2 tanod hinoldap sa harap ng barangay hall

Walang pinipiling lugar ang riding-in-tandem sa Sta. Cruz, Maynila matapos nilang holdapin ang dalawang naka-duty na tanod.

Walang pinipiling lugar ang riding-in-tandem sa Sta. Cruz, Maynila matapos nilang holdapin ang dalawang naka-duty na tanod.

Nangyari ang insidente nitong April 6 sa tapat mismo ng isang barangay hall.

Makikita sa CCTV footage ang pagdating ng dalawang lalaki sakay ng motorsiklo.

Dito na lumapit ang isa sa mga tanod na gumagamit ng cellphone at saka tinututukan ang mga ito ng baril.

Kinuha ng suspek ang cellphone ng dalawang tanod pati ang cap ng isa pang tanod.

Nakilala na ng awtoridad ang suspek na nanutok ng baril, na dati nang nakulong dahil din sa robbery holdup.