Walang maiiwan sa gobyerno ni PBBM: Villafuerte, pinuri ang ‘pro-poor, pro-growth’ na national budget

“Pro-poor” at “pro-growth” ang P5.768 national budget, ayon sa isang mambabatas. Bukod dito, nakatuon rin ito sa ekonomiya, seguridad, imprastraktura, edukasyon, at kalusugan.

“Pro-poor” at “pro-growth” ang P5.768 national budget na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ganiyan inilarawan ni Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte ang General Appropriations Act na nilagdaan ng pangulo nitong Miyerkules, Disyembre 20, sa isang seremonya sa Malacañang.

“With this pro-poor, pro-growth national budget plan for next year, the President will get closer to his vision of a prosperous and peaceful Philippines where nobody is left behind,” saad ni Villafuerte.

BASAHIN RIN: Pirma na lang ng pangulo: Aprubadong national budget para sa 2024, nakatuon sa pagtulong sa mga maralitang Pilipino—Romualdez

Aniya, ang national budget na ito, na pinakamalaki sa kasaysayan ng Pilipinas, ay makatutulong sa pangulo na mamuhunan sa ekonomiya, seguridad, imprastraktura, edukasyon, at kalusugan. Bukod pa riyan ang mga programa at proyekto ng pamahalaan na layong pataasin ang antas ng pamumuhay ng mga maralitang Pilipino.

Patunay niyan, ayon kay Villafuerte, ang alokasyon para sa mga programa gaya ng pagpapatuloy sa Pantawid Pamilya Pilipino Program ng Department of Social Welfare Development, pati na rin sa Bagong Pilipinas Community Assistance and Rice Discount (CARD) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Mayroon ring inilaang pondo para sas Ayuda sa Kapos sa Kita Program na isinulong mismo ni House Speaker Martin Romualdez at ng Kamara.

BASAHIN RIN: Angat lahat! 2024 budget, Halos P500-B sa 2024 national budget, inilaan para sa maralitang Pilipino—Romualdez