Walang linlangan: Kim Chiu, Paulo Avelino, magtatambal muli sa remake ng sikat na Korean series

Ang "What's Wrong With Secretary Kim?" ay na naka-base sa nobelang may parehong titulo, at una itong pinalabas noong 2018 pa.

Matapos ang matagumpay nilang tambalang “Linlang,” nakatakda namang magtambal muli sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa remake ng sikat na Korean series na “What’s Wrong With Secretary Kim?”

Ang naturang series, na naka-base sa nobelang may parehong titulo, ay unang ipinalabas noong 2018 pa. Pinagbidahan ito nina Park Ming-young bilang si Kim, ang sekretarya ng vice chairman ng isang malaking korporasyon na Lee Young-joon, na ginampanan naman ni Park Seo-joon.

Sa planong remake ng Dreamscape Entertainment, na siya ring nasa likod ng “Linlang,” si Chiu ang gaganap na Kim, samantalang si Avelino naman ang gaganap na Lee.

Iaanunsiyo ng Dreamscape ang iba pang detalye ng naturang remake sa mga susunod na linggo. Target itong ipalabas sa 2024.