Walang Lenten break! Trabaho sa Kamara tuloy sa Mahal na Araw

Papayagan ang mga committee hearing sa Kamara sa susunod na linggo kahit pa ito na ang simula ng Semana Santa.

Papayagan ang mga committee hearing sa Kamara sa susunod na linggo kahit pa ito na ang simula ng Semana Santa.

Inilabas ni Deputy Majority Leader, Isabela 6th District Rep. Faustino Dy V nitong Miyerkoles ang mosyon upang payagan ang mga mahahalagang pagpupulong at mga pagdinig sa Kamara kahit pa Mahal na Araw na.

Wala namang tumutol sa kanyang mosyon.

Epektibo ang naturang mosyon hanggang Abril 28, na siyang pagtatapos ng House recess.

Pinuri naman ni House Speaker Martin Romualdez ang dedikasyon ng mga kapwa niya mambabatas na ituloy ang trabaho kahit ang karamihan ay nasa Lenten break.

“It reflects a proactive approach to governance, ensuring that important legislation is not delayed due to scheduled recess periods,” ani Romualdez.

“The House remains steadfast in its commitment to serve the Filipino people. Allowing committee hearings during the break demonstrates our dedication to fulfilling our duties as legislators and addressing the needs of our constituents,” dagdag pa niya.