Walang kupas! Rivermaya reunion concert, dinagsa ng fans

Tila wala pa ring kupas ang galling at kasikatan ng bandang Rivermaya matapos dagsain ng libu-libong fans ang kanilang reunion concert sa SMDC concert grounds sa Parañaque City Sabado ng gabi.

Tila wala pa ring kupas ang galling at kasikatan ng bandang Rivermaya matapos dagsain ng libu-libong fans ang kanilang reunion concert sa SMDC concert grounds sa Parañaque City Sabado ng gabi.

Pinabilib nina sina Bamboo Mañalac, Rico Blanco, Nathan Azarcon, at Mark Escueta ang kanilang mga tagahanga sa pagtugtog ng kanilang klasikong hits tulad ng “Ulan,” “Kung Ayaw Mo, Huwag Mo,” “Hinahanap-hanap Kita” at marami pang iba.

May solo spot rin si Rico Blanco kung saan kinanta niya ang “You’ll Be Safe Here.”

Nakipagkamay rin ang banda sa mga fan at naglakad-lakad sa VIP section ng crowd.

Isa Rivermaya sa mga pinakasikat na banda noong ‘90s.