Walang iwanan: Israel ambassador, tiniyak kay PBBM na pangangalagaan ang mga Pinoy

Hindi pababayaan ng Israel ang mga Pilipino doon. Iyan ang pagtitiyak ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Tiniyak ni Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pangangalagaan ng Israel ang kaligtasan ng mga Pilipinong nasa Israel sa gitna nang lumalalang karahasan dito.

Nauna nang nagpahayag si Pangulong Marcos nang pakikiisa at pagsuporta sa Israel sa pulong ng dalawa sa Malacañang nitong Miyerkules, Oktubre 11. Dito rin tiniyak ni Fluss na gagawin ang lahat ng kaniyang bansa upang protektahan ang mga Pilipino doon.

Samantala, pinasalamatan rin ni Fluss si Marcos sa isang Facebook post.

“Thank you, President Marcos, for the important meeting we had earlier today. Israel is in a war situation due to the horrific attack of the terror organization Hamas,” saad ni Fluss. “I want to thank you for your commitment that the Philippines will always stand with Israel against the inhuman terrorist attacks by Hamas.

Dito binigyan-din ni Fluss ang una na niyang sinabi sa pangulo.

“Israel is committed [to] the safety and well-being of the Filipino citizens in Israel,” aniya. “We will do everything we can to get them out of danger, as we do for our own citizens.”