Walang gutom na ‘Pinoy, gagawing legacy ni PBBM

Walang gutom na Pilipino. Iyan ang nais maging legasiya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. oras na matapos ang kanyang termino sa 2028.

Walang gutom na Pilipino. Iyan ang nais maging legasiya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. oras na matapos ang kanyang termino sa 2028.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa Walang Gutom Awards sa Palasyo ng Malakanyang, inalala ni Pangulong Marcos ang isang media interview.

“And it was a question I was not prepared for. It was a question that I actually had not thought about. But the answer came to me in an instant,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Wala nang gutom. Wala nang gutom na Pilipino. That is my dream. No hungry Filipino,” dagdag ng Pangulo.

Base sa talaan ng Department of Social Welfare (DSWD), sinabi ni Pangulong marcos na nasa tatlong milyong pamilya ang nakararanas ng involuntary hunger.

Samantala, ginawaran naman ni Pangulong Marcos ang 10 natatanging local government units na nagtaguyod ng anti-hunger at food security initiatives.

Tig P2 milyon ang natanggap na premyo ng mga nanalo. Ito ay ang:

(Barangay Level)
-Barangay Commonwealth, Quezon City
-Barangay Naggasican, Santiago City

(Municipal Level)
-Asuncion, Davao Del Norte
-Palompon, Leyte
-Bacnotan, La Union

(City Level)
-Kidapawan City, Cotabato
-Bago City, Negros Occidental
-Cadiz City, Negros Occidental
-Mati City, Davao Oriental

(Provincial Level)
-Biliran Province

Tig P1 milyon naman ang natanggap ng pitong LGUs finalists.