Walang duda ‘yan: Mga kasunduan sa limang larangan, nakuha ni PBBM sa America

Ang mga kasunduan ito ay para sa mga industriya climate resiliency, internet connectivity, clean energy, pharmaceutical manufacturing, at healthcare.

Nasungkit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes, Nobyembre 16 (Manila time), ang mga kasunduan sa pagitan ng bansa at mga kumpanya sa America sa sidelines ng ika-30 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa San Francisco, California.

Ang mga kasunduan ito ay para sa mga industriya climate resiliency, internet connectivity, clean energy, pharmaceutical manufacturing, at healthcare.

Kabilang diyan ang mga sumusunod:

1. Pagpapagawa ng high-resolution weather forecasting system para sa Pilipinas

2. Pagpapatayo ng kauna-unahang specialty oncology hospital sa bansa

3. Pagpapatayo ng kauna-unahang US Food and Drug Administration (FDA)-approved manufacturing facility sa bansa

4. Pag-aaral para sa posibleng paggamit ng Micro Modular Reactors para sa malinis at sustainable na enerhiya

5. Paggawa at pagpapalipad ng dalawang internet satellites na para sa Pilipinas

“They all hold a great potential for the Philippines to reshape its landscape of clean energy, healthcare, pharmaceutical manufacturing, internet and satellite technology, and climate technology,” saad ni Marcos sa mga kasunduang personal niyang nasaksihan.

“The partnerships we celebrate today are manifests—that of the unwavering commitment of the United States and the Philippines in terms of collaboration, innovation, and progress. [They] will bring us closer to our vision of a more prosperous and sustainable Philippines,” dagdag pa niya.