Walang dapat kampihan! CSC, binalaan ang mga empleyado ng gobyerno tungkol sa electioneering

Paalala ng Civil Service Commission na labag sa batas ang mga aktibidad na pumapabor sa mga kandidato sa halalan. Inaasahang magiging patas o neutral lamang ang mga nagtatrabaho sa gobyerno.

Hinikayat ng Civil Service Commission (CSC) ang halos 1.9 milyong empleyado ng gobyerno na uwias sa electioneering o mga aktibidad na pumapabor o kumikiling sa mga partikular na kandidato para sa barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

Sinabi ni CSC Chairperson Karlo Nograles sa isang pahayag nitong Biyernes, Oktubre 20, na labag sa batas ang mga naturang aktibidad. Ito rin aniya ay ipinagbabawal sa ilalim ng CSC–Commission on Elections (Comelec) Joint Circular No. 1, series of 2016.

“The Commission acknowledges civil servants’ shared desire to contribute to improved public service delivery through electoral participation. However, we must remain mindful not to engage in electioneering or partisan activities during this period. This precautionary measure underscores our commitment to maintaining the integrity and neutrality of the public service,” paliwanag ni Nograles.

Kasama sa patakarang ito ang mga permanent, temporary, or contractual na empleyado ng pamahalaan, pati na rin ang mga uniformed officers, gaya ng mga personnel ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Dapat sumunod rin maging ang mga empleyadong naka-leave of absence, ayon sa opisyal.