Walang choice? Bato, Bong Go, mananatiling loyal sa PDP

Iginiit ni Senator Bato Dela Rosa na wala siyang balak layasan ang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP-Laban.

Iginiit ni Senator Bato Dela Rosa na wala siyang balak layasan ang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP-Laban.

Ito’y matapos lumabas ang balita na may isang senador na kakalas sa kanilang partido at sasama na sa administrasyon.

“Nababawasan na… Wala ako balak umalis, saan ako pupunta? Wala ako ibang pupuntahan,” paglilinaw ni Bato sa isang panayam.

Nang tanungin kung si Senator Francis Tolentino ang sinasabing tatalikod sa PDP-Laban, sagot ng senador:

“Ask him [Tolentino], mahirap magsalita para sa kanya.”

Tiniyak naman ni Bato na nananatili silang loyal ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa PDP kaya’t wala sa isip nila ang pag-alis sa partido.

“Safe to say magkasama kami ni Sen. Go hanggang sa dulo, wala kami pupuntahan. Si Senator Tolentino, tanungin mo na lang siya ano plano. Ayaw ko magsalita para sa kanya, pero close pa rin kami, personal friends and we will be forever helping each other,” diin ng senador.