Walang bastusan! Panawagan ni Baste Duterte na magbitiw si PBBM, walang galang, hindi tama–mambabatas

Walang galang at walang basehan ang panawagan ni Davao City Mayor Sebastian Duterte na magbitiw sa tungkulin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., lalo pa't may kapasidad itong tuparin ang kaniyang mandato, ayon sa dalawang mambabatas.

Walang galang at walang basehan ang panawagan ni Davao City Mayor Sebastian Duterte na magbitiw sa tungkulin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Iyan ang sabi nina Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales II at Deputy Speaker at Quezon Rep. Jayjay Suarez sa sinabi ni Duterte na magbitiw na lamang si Marcos kung wala siyang pagmamahal at pangarap para sa bayan.

“We have to respect the Office of the President. It is baffling that he is being asked to resign. Our President is very hardworking. Kapag iyon ang panawagan, alam niyo na ang kasunod,” sabi ni Gonzales sa isang pahayag nitong Lunes, Enero 29.

Ayon naman kay Suarez, may kapasidad si Marcos na tuparin ang kaniyang mandato bilang pangulo.

“His commitment to the Filipino people is the trust given by the people when he won the presidency will not to put to waste. What was mentioned in Davao calling for his resignation is totally disrespectful of the man, considering the position that he holds,” aniya.

Dagdag pa ng mambabatas, masipag ang pangulo at suportado ito ng Kamara.