Walang banta! Abalos tiniyak tibay ng Marcos admin

Ginarantiya ni Interior Secretary Benhur Abalos na walang destabilization plot na hinahanda laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ginarantiya ni Interior Secretary Benhur Abalos na walang destabilization plot na hinahanda laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Matatandaang si ex-senator Antonio Trillanes IV ang nagbuking na may ilang opisyal ng pulisya ang nagtatangkang pabagsakin ang pangulo.

Itinanggi naman ito ni Abalos.

“Solid po ang aming suporta at walang dapat ikabahala ang ating Pangulo,” wika ni Abalos sa panayam ng Radyo 630.

“Walang credible threat as of now. Talagang wala po ito. In fact, maski ako nagulat din sa pahayag na ito. Kung meron man, ito’y hindi papatulan. Ako na po mismo ang nagsasabi sa ating mga kababayan,” saad pa niya.

Bukod kay Abalos, naglabas na rin ng pahayag ang Philippine National Police upang pasinungalingan ang ulat ni Trillanes.