Walang bahid dungis: Kamara, pasado sa COA audit ng anim na sunod na taon—COA

Ayon sa Commission on Audit, walang natanggap na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o Disbursement Acceleration Program (DAP) Fund ang Kamara mula 2017 hanggang 2022.

Anim na taon nang nakatatanggap ng malinis na audit report ang House of Representatives mula sa Commission on Audit (COA).

“For CY (calendar year) 2022 and prior years, no Notice of Suspension, Notice of Disallowance, and Notice of Charge was issued,” pahayag ng COA sa 2022 audit report nito sa mababang kapulungan.

Nagbibigay ng notice of suspension ang COA kung walang mga dokumento ang isang transaksyon, samantalang nagbibigay ito ng notice of disallowance kung may iregularidad sa paggastos ng pondo ng bayan. A notice of charge naman ay ibinibigay kung hindi nakokolekta ang kita ng gobyerno o hindi ito nakakalkula ng tama.

Ayon din sa ulat ng COA, walang tinanggap na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o Disbursement Acceleration Program (DAP) Fund ang Kamara mula 2017 hanggang 2022.

Dinepensahan rin ng naturang ulat ang paggamit ng Kamara sa Extraordinary and Miscellaneous Expenses, na paliwanag ng COA ay bahagi ng budget ng House of Representatives. Ito rin ay na-audit nang maayos, ayon sa COA.