Walang assassination plot! Quiboloy pinayuhan ni PBBM na harapin mga akusasyon

Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. si Pastor Apollo Quiboloy na humarap sa dalawang Kapulungan ng Kongreso at sagutin ang mga akusasyon na ibinabato laban sa kanya.

Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. si Pastor Apollo Quiboloy na humarap sa dalawang Kapulungan ng Kongreso at sagutin ang mga akusasyon na ibinabato laban sa kanya.

Inilahad ito ng Pangulo matapos sabihin na walang assassination plot laban kay Quiboloy, taliwas sa iginigiit ng religious leader.

“Walang may gustong mag-assassinate sa kanya,” saad ng pangulo sa isang interview sa Villamor Airbase bago lumipad pa-Australia.

“I would just advise him that just kung mayroon naman siyang sasabihin, he has an opportunity in the hearings both in the House and in the Senate to say his side of the story,” dagdag niya.

Pinatawag ng Senado si Quiboloy para sagutin ang mga alegasyon ng pang-aabuso sailang miyembro ng kingdom of Jesus Christ.

Samantala, nagsasagawa rin ang Kongreso ng pagdinig hinggil naman sa umanong franchise violations ng network niyang SMNI.

Sa isang recorded message, inamin ni Quiboloy na kasalukuyan siyang nagtatago dahil umano sa sabwatan ng administrasyon ni Pangulong Marcos at Estados Unidos para siya ay patahimikin.

Wanted si Quiboloy sa US dahil sa kasong human trafficking.