Walang aircon? Mga pasahero ng eroplano, nagpaypay sa init!

Sa halip na ginhawa ay pasakit ang inabot ng mga pasahero ng isang eroplano dahil sa sira nitong air conditioner.

Sa halip na ginhawa ay pasakit ang inabot ng mga pasahero ng isang eroplano dahil sa sira nitong air conditioner.

Makikita sa post ni PapaTantan TV kung paano nagdusa sa init ang mga pasahero ng isang eroplano.

Ginawa na lang nilang pamaypay ang mga brochure na nasa upuan ng eroplano. Hindi naman nakasaad sa post kung anong eroplano ang sinasakyan ng mga pasahero.

Sa comment section, dinaan na lang sa biro ng mga netizen ang naging problema ng mga pasahero.

“Wait nyu lang may aakyat dyan na may dalang malamig na mineral. Water or softdrinks para maginhawahan kayu habang nabyahe,” saad ng isang netizen.

“Sobrang taas kasi ng lipad malapit na sa araw,” komento ng isang FB user.

“Nagtitipid ng fuel si capt ayaw mag pa ac during boarding,” wika pa ng isa.

Humakot na ng mahigit 838,000 views ang naturang video.