Wala ng brownout! Stable power supply sa Albay tinupad ni PBBM

Hindi na muling makakaranas ng brownout ang mga Bikolano sa Albay dahil sa tinupad na pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa suplay ng kuryente doon.

Hindi na muling makakaranas ng brownout ang mga Bikolano sa Albay dahil sa tinupad na pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa suplay ng kuryente doon.

Dahil ito sa isinagawang rehabilitasyon ng mga electric cables at pagtatayo ng dalawang bagong sub-stations sa lalawigan.

Pinasalamatan naman ni House Committee on Appropriations Panel Head at Ako Bikol Partylist Rep. Zaldy Co ang mga hatid na programa ng pamahalaang Marcos sa Bicol.

“Sa bawat sulok ng Bicol Region, ramdam po namin ang pagbuhos ng biyaya mula sa inyong administrasyon. Ang mga proyekto at programang ito’y nagpapataas ng kalidad ng buhay at nagbibigay din ng bagong pag-asa’t inspirasyon sa aming mga Bicolano,” sabi ni Co.

“President Marcos, sir your leadership is truly a beacon of hope. Ang inyong dedikasyon sa pag-aangat ng buhay ng bawat Pilipino ay walang katulad,” dagdag niya.