Wala nang ulitan, ha! Bidding sa pagsasa-ayos ng NAIA, umarangkada na

Makatutulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa ang pagsasapribado at moderisasyon ng ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) ang privatization at modernization ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na makatutulong ito sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa dahil magbibigay ito ng mas magagandang investment opportunities.

“The rehabilitation and operation of NAIA through a PPP arrangement represent a landmark opportunity for our nation…,” paliwanag ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa NAIA Public-Private Partnership (PPP) pre-bid conference na ginanap sa Asian Development Bank (ADB) headquarters sa Pasig City.

“It promises economic growth, improved infrastructure, and a world-class travel experience,” dagdag pa niya.

Paliwanag ni Bautista, ang privatization at modernization ang susi upang mapalaki ang kapasidad ng paliparan, mas mapaigting ang segurad, at makakuha ng mga revenue streams.

“This requires modernizing terminals, increasing capacity up to 62 million passengers annually, improving technology infrastructure, and ensuring reliable operations,” pahayag pa ni Bautista.

Ang mananalo sa bidding ang siyang mangangasiwa sa rehabilitasyon ng NAIA, kasama na ang mga passenger terminals nito at airside facilities. Ito rin ang mangangasiwa sa pagpapasaayos at pagpapaganda ng naturang paliparan.