Wala nang tiwala? VP Sara, ‘di solo pagiging OIC habang nasa Amerika si PBBM

Tatlong opisyal ang magiging caetaker ng bansa habang nasa America si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa trilateral summit.

Tatlong opisyal ang magiging caetaker ng bansa habang nasa America si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa trilateral summit.

Bukod kay Vice President Sara Duterte, magiging officer-in-charge (OIC) din sina Executive Secretary Lucas Bersamin and Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, magsisilbing chair caretaker si VP Sara, habang itinalagang assistant niya sina Bersamin at Estrella.

Aniya, matagal na umanong ganito ang setup sa tuwing lumalabas ng bansa ang Pangulo.

Mananatili si Marcos sa Amerika hanggang April 13, kung saan inaasahang makasama nito sa meeting sina US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.