Wala nang makakapigil pa! Maharlika Fund, lalarga na matapos aprubahan ni PBBM ang IRR

Unang inilabas ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) noong Agosto, ngunit pinatigil ang pagpapatupad nito noong Oktubre 18 upang pasadahan muli ang mga probisyon nito, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Aprubado na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF), inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos suspindihin ang pagpapatupad nito ng ilang linggo sa takdang panahon.

“The Implementing Rules and Regulations of Maharlika Investment Fund have been finalized,” sinabi ng Pangulo sa isang social media post.

“Upon our approval, we’ll swiftly establish the corporate structure, getting the MIF up and running,” dagdag pa niya.

Unang inilabas ang IRR ng MIF noong Agosto, ngunit pinatigil ang pagpapatupad nito noong Oktubre 18 upang pasadahan muli ang mga probisyon nito, ayon sa Pangulo.

Nilinaw rin ng Pangulo bago siya magtungo sa Saudi Arabia noong nakalipas na buwan na hindi ipinatigil ang MIF, ngunit pinasadahan lamang ito muli para siguruhing pulido ang trabaho.

“We are, the organization of the Maharlika Fund proceeds apace, and what I have done though, is that we have found more improvements we can make, specifically to the organizational structure of the Maharlika Fund,” sinabi ni Pangulong Marcos.

Pinirmahan ng Pangulo ang Republic Act No. 11954 o ang Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023 noong Hulyo, na layuning bumuo pa ng karagdagang pondo para sa magamit sa mga proyekto ng gobyerno.