Wala nang lumaban sa bawi-bawi: Liderato ng Kamara, binawi lahat ng plakang ‘8’

Nauna nang inanunsiyo ni House Secretary General Reginald Velasco na wala nang mga awtorisadong “8” na plaka.

Nais nang bawiin ng liderato ng House of Representatives ang mga plakang may “8” na karaniwang ginagamit ng mga representante para makilalang taga-Kamara ang sasakyan gamit nila.

Kaugnay niyan, naglabas na ng isang memorandum si House Secretary General Reginald Velasco upang sabihan ang mga miyembro ng Kamara sa utos na ito.

“This is to respectfully request the immediate recall of all expired protocol plates no. 8 issued during the past Congresses as well as all spurious protocol 8 plates which may have come to your possession,” saad ni Velasco sa memorandum.

Si Velasco ay ang sibilyang may pinakamataas na pwesto sa Kamara.

“Kindly turn in these car plates to the Office of the Secretary General for proper acknowledgement,” dagdag pa niya.

Nauna nang inanunsiyo ni Velasco na wala nang mga awtorisadong “8” na plaka.

BASAHIN RIN: Para malinaw lang: Plakang ‘8’ ng mga mambabatas, hindi awtorisado ng Kamara