Wala nang lamangan: Zero tolerance kontra sa mga aabuso sa programa ng ahensiya—DOLE

Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga aabuso sa mga programa nito: Huwag niyo na subukan.

Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga indibidwal at accredited co-partners nito (ACPs) na huwag abusuhin ang mga programa ng ahensya.

Sa inilabas na babala sa publiko, sinabi ng DOLE na may “zero tolerance” policy ito laban sa mga indibidwal o grupo na nananamantala sa mga programa ng departamento para sa sarili nilang kapakanan.

“This includes any form of facilitation fees and kickbacks, misrepresentation or any other activities that harm the interest of beneficiaries,” saad ng DOLE.

Sinabi rin ng DOLE na tatanggalan nila ng accreditation ng sinuman ACP o indibidwal na makikitaan ng paglabag sa mga alituntunin ng kagawaran.

Hinimok rin ng DOLE ang publiko na isumbong ang anuman pang-aabuso at paglabag na kaugnay sa mga programa sa hotline 1349 o sa pinakamalapit na tanggapan ng ng ahensya.