Wala nang balikan? Bea Alonzo winalis na si Dominic Roque sa IG

Burado na ang lahat ng larawan ni Dominic Roque sa Instagram account ni Bea Alonzo.

Burado na ang lahat ng larawan ni Dominic Roque sa Instagram account ni Bea Alonzo.

Kung bibisitahin ang IG account ni Bea (@beaalonzo), mapapansin na inalis na ni Bea ang kanilang mga larawan ng kanyang ex-boyfriend.

Ito’y sa kabila ng mga ugong-ugong na posibleng nagkabalikan na ang dalawa.

Napansin kasi ng isang netizen na larawan pa rin ni Bea ang wallpaper ni Dominic sa kanyang cellphone.

Sa isa ring Instagram post ni Dom ay lumitaw ang alagang aso ni Bea.

Matatandaan na noong Pebrero inanunsyo ni Bea na hindi na matutuloy ang engagement nila ni Dominic.

Hindi naman nilantad ng dalawa ang dahilan ng kanilang break-up.