Wala nang atrasan, wala nang bawian: Konsolidasyon sa ilalim ng PUV Modernization Program, hanggang Disyembre 31 lamang—PBBM

Paliwanag ng pangulo, makakaapekto sa mga jeepney operator, sa mga mga pinansyal na institusyon, at lalo sa publiko ang patuloy na pagka-antala sa PUV Modernization.

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may hanggang Disyembre 31, 2023 na na lamang ang mga public utility vehicle (PUV) operators para sumunod sa konsolidasyong hinihingi sa sa ilalim ng PUV Modernization Program.

Paliwanag ng pangulo, makakaapekto sa mga jeepney operator, sa mga mga pinansyal na institusyon, at lalo sa publiko ang patuloy na pagka-antala sa PUV Modernization.

“Today, we held a meeting with transport officials, and it was decided that the deadline for the consolidation of public utility vehicles operators will not be extended,” saad ni Marcos sa kaniyang X (dating Twitter) account.

Dagdag ni Marcos, halos 70% ng mga operator ang nakapag-consolidate na o nasa proseso na ng consolidation sa ilalim ng nasabing modernisasyon, na matagal ng isinulong ng pamahalaan.

“Adhering to the current timeline ensures that everyone can reap the benefits of the full operationalization of our modernized public transport system,” sabi pa ng pangulo. “Hence, the scheduled timeline will not be moved.”