Wala naman narating! Senate hearing sa PI, itigil na – Garbin

Kung si Ako Bicol party-list Executive Director Alfredo Garbin, Jr. ang tatanungin, wala nang pinatutunguhan ang pagdinig sa Senado ukol sa People's Initiative para amyendahan ang Konstitusyon.

Kung si Ako Bicol party-list Executive Director Alfredo Garbin, Jr. ang tatanungin, wala nang pinatutunguhan ang pagdinig sa Senado ukol sa People’s Initiative para amyendahan ang Konstitusyon.

Ayon kay Garbin, tatlong linggo na ang nakalilipas nang magsimula ang Senate inquiry tungkol sa umano’y pagbili ng pirma para sa people’s initiative pero wala naman umanong nalantad na anomalya ukol dito.

“Three weeks have passed since the Senate inquiry on the alleged buying of signatures began, and already over a month since the misguided exposé of (Albay) Representative Edcel Lagman. What have they uncovered? The answer is nothing,” wika ni Garbin.

Ilang resource person na rin aniya ang humarap sa Senate hearing, ngunit wala namang nagsabi na may natanggap silang pera para pumirma sa people’s initiative para sa Charter change.

“It invited several resource persons from the grass root level to ask whether or not there was money or promise of ayuda like AICS, AKAP or TUPAD given. The collective answers of the resource persons was a resounding “WALA”! Not satisfied with the answers from the grass root level, the Senate also invited and grilled the officials DSWD to admit whether their programs were used in the signature campaign, to which the Senate also received a negative response,” wika ng Ako Bicol official.

Ayon kay Garbin, patunay lang ito na maraming tao ang may kagustuhan na magkaroon na ng pagbabago sa Konstitusyon.

Kaya naman nanawagan si Garbin na dapat itigil na ang tinuturing niyang ‘political witch hunt’ sa Senado dahil aksaya lang daw ito sa oras.

“Thus, there is now a need to terminate this political witch hunt. I firmly believe that in continuing the public hearings, the committee will achieve nothing more in aid of legislation, other than use it as a public stage for grandstanding, vilification, and self-aggrandizement. A waste of time, in my opinion,” saad ni Garbin.

Pakiusap pa ni Garbin, dapat ay tumanggap ulit ang Commission on Elections (Comelec) ng mga pirma para sa pagbabago ng Konstitusyon.