Wala na ngang pasok, babayaran ka pa? No work, no pay’ sa Oktubre 30—DOLE

Nilinaw ng Department of Labor Employment na bagaman special nonworking holiday sa Oktubre 30, ipatutupad pa rin ang “no work, no pay” policy.

Pinaaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) na “no work, no pay” ang idineklarang special nonworking holiday sa Oktubre 30 para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Sa isang advisory na inilabas ng DOLE, pinaalalahanan ng ahensiya ang mga kompanya na sundin ang tamang pagpapasahod para sa mga papasok sa naturang araw.

“If the employee does not work, the “no work, no pay” principle shall apply unless there is a favorable company policy, practice, or collective bargaining agreement granting payment on a special day,” paliwanag ng DOLE.

Kung papasok naman ang empleyado, dapat pasahurin siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kaniyang basic wage sa unang walong oras nito sa trabaho.

Karagdagang 30 porsiyento kada oras naman ang dapat niyang tanggapin kung siya ay lalampas sa walong oras.

Kung rest day naman ng empleyado at pinag-report siya, dapat pasahurin siya ng karagdagang 50 porsiyento ng kaniyang basic wage.