Wala na ngang ambag, pabigat sa pasahod lang! NorthRail, opisyal na binuwag na ng gobyerno

Hindi nakukuha ng NorthRail ang mga target nito at wala ring ambag ito sa mga proyekto ng gobyerno kaya minabuti na ng Palasyo na tuluyan nang buwagin ito sa bisa ng Memorandum Order (MO) No. 17.

Ipinagutos ng Malacañang ang pagbuwag sa North Luzon Railways Corp. (NorthRail) matapos matukoy na hindi nakukuha ng kumpanya ang mga target nito at hindi sapat ang ambag na trabaho sa gobyerno.

Sa bisa ng Memorandum Order (MO) No. 17, opisyal na binuwag ang NorthRail ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Governance Commission for Government-Owned and -Controlled Corporations (GCG).

“NorthRail is not producing the desired outcomes; no longer achieving the objectives and purposes for which it was designed and created; and not cost efficient and does not generate the level of social, physical and economic returns vis-a-vis the resource inputs,” ayon sa pag-aaral na ginawa ng GCG sa NorthRail.

“Pursuant to Section 5(a) of Republic Act No. 10149 or the GOCC Governance Act of 2011, the GCG has determined that NorthRail has met the standards for abolition,” the order read.

Inatasan ng Palasyo ang board of directors ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) bilang administrador at liquidator ng NorthRail. Babayaran ng BCDA ang mga utang ng NorthRail kabilang ang separation pay ng mga apektadong empleyado, at iba pa.

BCDA na rin ang mangangasiwa sa paglipat ng mga kasalukuyang programa at proyekto ng NorthRail sa mga ahensya o departamento ng gobyerno.