Wala kasi sa hulog yung ganyan! Mga unipormadong tauhan ng gobyerno, tigilan ang pagputok ng baril sa pagpasok ng Bagong Taon 2024—mambabatas

May naitala ng pitong insidente ng iligal na pagpapaputok ng baril ang PNP simula Disyembre 16, at apat sa mga sangkot ay uniformed officers—dalawang pulis at dalawang sundalo.

Pinaalalahanan ni Senador Nancy Binay ang lahat na mag-ingat sa pagdiriwang ng Bagong Taon at humanap na lamang ng ibang paraan upang magsaya imbes na gumamit ng paputok.

Partikular na pinaalalahanan ng senadora ang mga may-ari ng baril, lalo na ang mga sundalo at pulis, na huwag na huwag magpapaputok bilang paggunita sa 2024.

BASAHIN RINPasaway sa putukan! 2 pulis, 2 sundalo, sangkot sa iligal na pagputok ng baril–PNP

 

“Alalahanin po natin na may karampatang responsibilidad ang pagbitbit natin ng baril. Huwag sana basta-basta gamitin ang mga ito upang maiwasan ang mga casualty lalo pa sa panahon na dapat nagdiriwang ang lahat,” paalala ni Binay sa isang pahayag nitong Sabado, Disyembre 30.

Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP), may naitala na itong pitong insidente ng iligal na pagpapaputok ng baril simula Disyembre 16, at apat sa mga sangkot ay uniformed officers—dalawang pulis at dalawang sundalo.