Waiting sa subpoena: Ogie Diaz tikom muna bibig sa kasong isinampa ni Bea Alonzo

Wala munang balak si Ogie Diaz na magbigay ng pahayag ukol sa kasong isinampa sa kanya ng aktres na si Bea Alonzo.

Wala munang balak si Ogie Diaz na magbigay ng pahayag ukol sa kasong isinampa sa kanya ng aktres na si Bea Alonzo.

Nitong Huwebes kasi ay nagtungo sa Quezon City Hall si Bea para sampahan ng kasong cyber libel si Ogie, Cristy Fermin, at lima pang hindi pinangalanan na indibidwal.

Sa Instagram Story, humingi ng paumanhin si Ogie sa mga reporter dahil marami umanong nagmemensahe sa kanya.

Aniya, kapag natanggap na nila ang subpeona ay saka lang nila sasagutin ang lahat ng katanungan para sa kanila.

“Pasensiya na sa lahat ng reporters na tumatawag para maging balanse lang ang kanilang report. Naiintindihan ko kayo kung nginangarag kayo ng news desk o ng editors n’yo,” pahayag ni Ogie sa IG.

“Makakarating din naman sa amin ‘yan para sagutin sa takdang panahon. Pero eto ha? Ayoko nang magpaka-plastik, tulad ng lagi naming hinihirit sa Ogie Diaz Showbiz Update, sila pa rin ang gusto naming magkatuluyan sa ending,” dagdag pa nito.