Wais sa pagtanim ng mais! Mas magandang kita, mas mabuting kabuhayan sa pagtanim ng mais para sa animal feeds — Zaldy Co

Dumalo sa pagtitipon ang hindi bababa sa 125 na magsasaka mula sa iba’t ibang lungsod at bayan ng Albay tulad ng Polangui, Guinobatan, Ligao City, Oas, Camalig, Daraga, Tabaco City, at Sto. Domingo, at maging mula sa mga karatig probinsya ng Sorsogon, Camarines Sur, at Camarines Norte.

Inilunsad ni Ako Bicol Party List Rep. Zaldy Co ang malawakang produksyon ng mais para magamit na feed sa mga hayop at mapaganda pa ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Bicol region.

Pinulong ni Ako Bicol Party List ang mga magsasaka at iba pang stakeholder upang pag-usapan ang proyekto at mahikayat ang iba pa na sumapi sa pagtanim ng mais.

“Corn can be processed into animal feeds and this presents a big opportunity for our farmers to boost their livelihood sources,” sinabi ni Co, na chairman rin ng House appropriations committee, sa isang pahayag.

Dumalo sa pagtitipon ang hindi bababa sa 125 na magsasaka mula sa iba’t ibang lungsod at bayan ng Albay tulad ng Polangui, Guinobatan, Ligao City, Oas, Camalig, Daraga, Tabaco City, at Sto. Domingo, at maging mula sa mga karatig probinsya ng Sorsogon, Camarines Sur, at Camarines Norte.

Ginanap ang “Consultation with the Irrigators Association and Rain-Fed Farmers’ Groups on Large Scale Corn Production for Animal Feed” sa Legazpi City noong Disyembre 7.

Nakipagtalakayan ang mga magsasaka sa mga kinatawan ng Department of Agriculture, National Irrigation Administration, at maging ang tanggapan ni Co.

Umaasa si Co na mas bubuti ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Bicol sa pamamagitan ng programa. Tinitingnan pa ng mga kinatawan ng ahensya ng gobyerno ang pagbibigay ng iba pang benepisyo ng paglahok sa programa tulad ng mechanization at post-harvest facility, ayon kay Co.