Wais: Bike owner binili ninakaw niyang bisikleta; kawatan, huli!

Nautakan ng isang lalaki sa San Vicente, Ilocos Sur ang nagnakaw ng kanyang bisikleta nang bilhin niya ang naturang gamit para madakip ang suspek.

Nautakan ng isang lalaki sa San Vicente, Ilocos Sur ang nagnakaw ng kanyang bisikleta nang bilhin niya ang naturang gamit para madakip ang suspek.

Ayon sa ulat, ninakaw ang bisikleta ng biktima habang nakaparada ito sa tabi ng kalsada. Sa kabutihang palad, nakunan ng CCTV ang krimen.

Bukod pa rito, natyempuhan pa ng biktima na naka-post online ang kanyang bisikleta at ibinebenta sa halagang P8,000. Dito na niya nilapitan ang mga pulis.

Ikinasa ng mga awtoridad ang entrapment operation kung saan ang biktima ang nagsilbing poseur buyer. Dito na nahuli ang 21-anyos na suspek.

Katwiran ng suspek, may nagbenta lang din sa kanya ng bisikleta.

Hindi naman naniwala ang pulisya, dahil malinaw na siya raw ang nakita sa CCTV footage.

Nahaharap sa kasong theft ang kawatan.