Wag silang tantanan! Tugisin ang mga suspek sa pagsabog sa MSU-Marawi para sa hustisya ng mga biktima—mga mambabatas

Kinilala ang nahuling accomplice bilang si Jafar Gamo Sultan (alyas "Jaf" at "Kurot"), na kasama umano ng isang nagngangalang “Omar” na siya namang naglagay ng bomba sa Dimaporo Gymnasium.

Marapat lamang na gawin ng pamahalaan ang lahat, pati ang paggamit sa lahat ng resources nito, upang mahuli ang iba pang mga suspek sa malagim na pagsabog sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.

Ito ang sabi nina Senador Ronald Dela Rosa at Imee Marcos matapos mahuli ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isa sa mga diumano’y accomplice sa pagsabog.

BASAHIN RIN: 3 patay, higit sa 40 sugatan sa pagsabog sa Mindanao State University-Marawi City

“I would like to congratulate our security forces for the arrest of one of the suspects. It was not a lone wolf attack so we have to urge them to utilize all their resources to arrest the remaining suspects, especially the two identified suspects,” sabi ni Dela Rosa sa isang pahayag.

Sa ibang pahayag, sinabi ni Marcos na hindi dapat tumigil ang mga awtoridad sa hangga’t hindi nila nahuhuli ang mga mastermind ng pagsabog.

BASAHIN RIN: Pakantahin na yan para mahuli ang mastermind! Suspek sa pagsabog sa MSU-Marawi, arestado—AFP

Kinilala ang nahuling accomplice bilang si Jafar Gamo Sultan (alyas “Jaf” at “Kurot”), na kasama umano ng isang nagngangalang “Omar” na siya namang naglagay ng bomba sa Dimaporo Gymnasium.