‘Wag puro rally! Tacloban Mayor kay Duterte: Ayaw namin ng away

Nagpaliwanag si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez tungkol sa issue sa pagitan nila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang tangkang prayer rally ng mga Maisug.

Nagpaliwanag si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez tungkol sa issue sa pagitan nila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang tangkang prayer rally ng mga Maisug.

Saad ni Romualdez, hindi niya sinasabing bastos si Duterte, kundi ang prayer rally lang na pinangungunahan nito.

“I never mentioned bastos ang Presidente. Kaibigan ko si Presidente Duterte, lahat ng pamilya niya diyan kaibigan ko,” lahad ni Romualdez.

“Ayaw talaga namin ng away,” saad pa niya.

Pinayuhan din niya si Digong na sana’y makipag-usap ng maayos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na aniya’y pwede namang idaan sa mga anak nito tulad ni Vice President Sara Duterte.

“Kaya nakikiusap naman ako, nandiyan ‘yung anak niyo po, Vice President, anytime tumawag ‘yan kay Presidente, kakausapin ‘yan,” saad pa ni Romualdez.