‘Wag puro pindot! PNP pinaalalahanan publiko vs online scam, fraud

Nagbigay ng babala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na mag-doble ingat sa kanilang mga transaction online.

Nagbigay ng babala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na mag-doble ingat sa kanilang mga transaction online.

Ayon sa PNP, tumaas ang bilang ng kaso ng cybercrime sa bansa sa unang quarter ng taon.

Nakapagtala ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ng 4,469 insidente ng cybercrime mula Enero hanggang Marso ng 2024.

Mas tumaas umano ang kaso ng mga nabibiktima online dahil sa pagdami ng shopping, financial, at investment opportunities platform.

“As cybercriminals continuously refine their tactics, there is a pressing need for individuals to educate themselves about cybercrimes. Stay informed by actively reading, listening to, and watching news coverage on cybercrimes. Familiarizing yourself with the red flags in online transactions is important for safeguarding against potential scams and frauds,” pahayag ni ACG chief Maj. Gen. Sidney Hernia.