‘Wag papadala sa survey! Economic Cha-cha dapat ituloy – solon

Nanindigan si Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na dapat pa ring ituloy ang economic Charter change (Cha-cha) sa kabila ng survey na marami sa mga Pinoy ang tutol dito.

Nanindigan si Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na dapat pa ring ituloy ang economic Charter change (Cha-cha) sa kabila ng survey na marami sa mga Pinoy ang tutol dito.

Ani Rodriguez, sasama ang tingin ng mga foreign investor sa Pilipinas kung iaatras ang Cha-cha dahil iisipin nila na urong-sulong ang mga mambabatas.

“The national leadership, beginning with President Ferdinand R. Marcos Jr., believes that changing the restrictive economic provisions of the Constitution would benefit the country as it would result in more foreign investments coming in,” saad ng solon.

“We are kulelat in terms of FDIs (foreign direct investments) in ASEAN. It would strengthen their perception of the Philippines as urong-sulong when it comes to opening up its economy,” paliwanag pa ni Rodriguez.

Kinalma rin ng mambabatas ang pangamba na gagamitin ang Cha-cha upang tumagal sa pwesto ang mga kasalukuyang opisyal ng gobyerno.

“And we are limiting the proposed changes only to three areas. There is no proposal to extend the term of any elective official. There is no political amendment,” aniya.

Sa Kamara ay nasa ikatlo at huling pagbasa na ang Cha-cha, samantalang nakasalang pa ito sa Senado.