Wag pabudol sa iligal ang raket! SEC, pinatitigil ang operasyon ng mga kumpanya ni ‘millennial CEO’ Mica Tan; pagkuha ng puhunan, labag sa batas!

Sa isang desisyon nitong Enero 16, inatasan ng Commission En Banc ang dalawang kompanya na tigilan na agad iligal na pangongolekta nito, pati na rin ang pagbebenta nito mga investment contracts na walang lisensiya mula sa SEC.

Nagbaba ng cease-and-desist order ang Security and Exchange Commission laban sa MFT Group of Companies, Inc. at Foundry Ventures I, Inc. dahil iligal itong nangangalap ng mga mamumuhunan.

Sa isang desisyon nitong Enero 16, inatasan ng Commission En Banc ang dalawang kompanya na tigilan na agad iligal na pangongolekta nito, pati na rin ang pagbebenta nito mga investment contracts na walang lisensiya mula sa SEC.

Ipinatigil na rin ng SEC ang anumang mga transaksiyon ng MFT Group at Foundry Ventures, kabilang na ang paglipat ng mga ari-arian nito.

Saklaw sa direktiba ang mga opisyal ng MFT Group at Foundry Ventures, pati na rin ang mga representante, ahente, at “uplines” nito.

Nag-ugat ang cease-and-desist order nang madiskubre ng SEC Enforcement and Investor Protection Department na nagbebenta ng unregistered securities ang MFT Group, na kinalaunan ay naging Foundry Ventures.

BASAHIN RIN: ‘Wag maniniwala sa ‘easy money!’ SEC, nagbabala kontra ‘paluwagan’ ng hindi rehistradong kumpanya