‘Wag pabayaan, bagkus ay tulungan: PBBM, hinimok ang lahat na magtulungan labanan ang droga

Hinimok ng pangulo ang lahat na tulungan ang mga nalulong na sa bisyo upang maka-recover at maging responsableng miyembro muli ng komunidad.

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang taumbayan na magkaisa sa pagsugpo sa iligal na droga.

Kaugnay nito ay hinimok ng pangulo ang lahat na tulungan ang mga nalulong na sa bisyo upang maka-recover at maging responsableng miyembro muli ng komunidad.

“Let us all work together to curb drug dependence among our affected citizens and facilitate the reintegration of persons with records of substance abuse to society,” paghihimok ng pangulo sa isang pahayag na inilabas ng Dangerous Drugs Board (DDB) nitong Miyerkules, Nobyembre 8.

Ang panawagang ito ay bago idaos ang 2023 Drug Abuse and Prevention Control (DAPC) Week na gaganapin mula Nobyembre 12 hanggang 19.

“People First: Stop Stigma and Discrimination, Strengthen Prevention” ang tema ng naturang programa, at kabilang sa mga aktibidad sa ilalim nito ay ang TalenTODA at Barkadahan ng mga Drivers, Riders, at Barangay Kontra Droga.