‘Wag niyo kaming subukan! Comelec, nagbigay ng huling babala sa mga kandidatong sangkot sa karahasan

Literal na tumitindi na ang labanan sa barangay at Sangguniang Kabataan elections, partikular na sa Abra, kung saan may mga naiuulat nang insidente ng karahasan na may kinalaman sa halalan.

Nagbigay ng matinding babala si Commission on Elections (Comelec) commissioner George Erwin Garcia sa mga pasaway na kandidatong masasangkot sa election-related violence ilang araw bago ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.

“This is a final warning to everyone. Hindi po kami maghe-hesitate na gamitin ang kapangyarihan ng Comelec,” babala ni Garcia. “Huwag naman po sa panahong ito. Magpapahiyaan tayo. Karangalan ng bawat isa nakataya dito.”

Ibinaba ni Garcia ang naturang babala matapos barilin ang isang kumakandidato para konsehal sa Sitio Nagpasinan, Barangay Bangbangcag, Bucay sa Abra Ang biktima, na kinilalang si Catalino Turalba Sr., 52, ng Barangay Bangbangcag, ay nakasakay sa motorsiklo nang tambangan siya ng hindi pa nakikilalang salarin.

Matapos nito, dinukot diumano ang asawa ng isang kumakandidato para barangay chairman sa Bucay, Abra rin upang pwersahin ito na huwag nang ituloy ang kandidatura.

Kanya naman nagbabalak ang Comelec na tumahak pa-Abra upang mabusisi ang totoong sitwasyon sa lugar.