‘Wag nang subukan at baka madisgrasya pa! PNP, nagbabala laban sa delikadong paputok para sa Bagong Taon

Taon-taon na lang ay nagbababala ang PNP laban sa paggamit ng malalakas at delikadong paputok, subalit marami pa rin ang sumusuway.

Ngayon pa lamang ay naglabas na ang Philippine National Police (PNP) ng listahan ng mga ipinagbabawal na paputok.

“Napakadelikado kasi nito no, masyadong sensitive ang mga paputok na ito kaya kailangan natin mag-ingat,” paliwanag ng PNP sa programa nitong “Sumbong Niyo Aksyon Agad” sa UNTV.

Ang mga pinagbabawal na paputok ay ang mga sumusunod:

• Watusi

• Poppop

• Five star

• Plapla

• Piccolo

• Giant Bawang

• Goodbye Bading

• Atomic bomb

• Super Lolo

• Hello Colombia

• Large Size Judas belt

• Giant Whistle Bomb

• Atomic triangle

• Mother rockets

• Goodbye Delima

• Goodbye Napoles

• Goodbye Philippines’

• Coke-in-can

• Super Yolanda

• Pillbox

• Lolo thunder

• Super Lolo

• Boga

• Kwiton

• Bin Laden

Hinikayat rin ng PNP ang publiko na mag-ingat sa paggamit ng mga paputok at fireworks sa Pasko at Bagong Taon.