Wag nang pakawalan yan, mamsh! Ray Parks Jr., all-out sa mga regalo sa nobyang si Zeinab Harake

Hindi naman papatalo ang sikat na content creator, na binista ang kaniyang dyowa sa Japan kamakailan lang para mapanuod ito ng personal sa nagdaang All-Star Game na idinaos ng Japan B. League.

Ibinandera ng content creator ng si Zeinab Harake sa isang gift reveal sa kaniyang pinakahuling vlog ang iba’t ibang mamahaling gamit na iniregalo sa kaniya ng basketbolistang si Bobby Ray Parks, Jr. para sa nagdaang Kapaskuhan.

Bakas sa aura ni Harake ang kakaibang kilig at saya ng isa-isa niyang buksan ang mga regalo, gaya ng isang pares ng mamahaling designer sandals na kulay pink.

Hindi rin maikubli ng kilalang vlogger ang saya nito sa black designer heels na sunod nitong binuksan.

May kasama pang luxury bag ang mga paregalo ni Parks, na kasalukuyang import sa Japan B. League.

Pero para kay Harake, ang “most special gift” na ibinigay ni Parks nitong nakalipas na Pasko ay isang women’s bible.

Hindi naman papatalo ang sikat na content creator, na binista ang kaniyang dyowa sa Japan kamakailan lang para mapanuod ito ng personal sa nagdaang All-Star Game na idinaos ng Japan B. League.

“Thank you for being my better half, mahal ko. You always find ways out of your busy schedule to come and support me,” sabi ni Parks sa isang post sa kanyang Instagram.